Tatlong high value drug suspects – arestado sa Sinunuc, Zamboanga City

451

Zamboanga City – Arestado sa anti-illegal drugs operations ang tatlong high value drug suspects sa Barangay Sinunuc, Zamboanga City.

Kinilala ang mga suspek na sina almujir sabtal a.k.a ‘Ogie’, Sakur Jimo Alijam at Carmin Aliakbar Maluddiny.

Isinagawa ang operasyon alas 8:30 nang umaga kahapon kung saan narekober mula sa mga suspek ang tatlong kilo ng shabu at mga drug paraphernalia.


Nakakulong na sa detension cell ng Zamboanga City Police Station 6 ang mga suspek habang ite-turn over naman sa PNP-RCLO 9 ang mga iligal na droga para isailalim sa pagsusuri.

Kasabay nito hinikayat ni PRO-9 regional Director Police C/ Supt. Billy Beltran ang publiko na suportahan ang kampanya ng pulisya kontra droga.

Facebook Comments