EID’L FITRE sama-samang pinagdiwang ng muslim community sa Gensan

General Santos City–Nagsama-sama ang daan-daang mga Muslim Brother’s and sister’s, Islamic Scholars, mga community elders at leaders sa MSU School campus dito sa Gensan kaninang umaga para ipagdiwang ang EID’L FITRE o End of Ramadan.

Pinangunahan ang nasabing selebrasyon ni Atty. Jalil Canda, ang head ng Office of Muslim affairs Gensan.

Sama-sama silang nagdasal, nagpasalamat sa mga biyayang kanilang natanggap at sama-sama rin nilang pinakinggan ang sermon ng kanilang Imam.


Naging sentro naman ng sermon ng kanilang Imam ang paghikayat sa kanilang mga muslim brothers na nasadlak sa bisyo at ano mang iligal na Gawain na iwanan na ito at magbagong buhay, pati na rin ang pagtulong na makamit ang kapayapaan hindi lang sa Mindanao kondi pati narin sa buong bansa.

Samantala matapos nagsambayang o nag dasal, nagsalo-salo sila sa pagkain na kanilang inihain bago nag siuwian na sa kani-kanilang bahay.

Facebook Comments