EJ Obiena, nasungkit ang silver medal sa Orlen Cup sa Poland

34

Nasungkit ng Filipino athletics na si EJ Obiena ang silver medals sa indoor pole vault event ng Orlen Cup sa Lodz, Poland.

Nagtala si Obiena ng 5.86 meter mark na siyang personal at bago nitong national record.


Nagwagi naman sa nasabing torneo si Sam Kendricks ng US na nagtala ng 5.91 meter mark.

Pumangatlo si Thiago Braz na nagtala ng bronze medal matapos na makamit ang 5.80 meters.

Una nang nagkamit ng dalawang gold medal si Obiena sa tournament na ginanap sa Berlin, Germany.

Facebook Comments