Online oathtaking ng mga pumasang psychologists at psychometricians, itinakda na ng PRC

52

Nag-abiso ang Professional Regulation Commission o PRC para sa online oathtaking ng mga pumasa sa licensure examination ng psychologists at psychometricians.

Gagawin ang panunumpa ng mga bagong psychologists at mga psychometricians sa February 23, 2021 araw ng Martes dakong alas-10 ng umaga.


Pangungunahan ng PRC Davao sa pamamagitan ng kanilang Microsoft teams ang nasabing online oathtaking.

Pinapaalalahanan din ng PRC ang mga manunumpa na kailangan nilang magparehistro online at sundin ang tamang ceremony protocols.

Kabilang na ang pagsuot ng pormal na kasuotan o business attire at paggamit ng puting backdrop sa kabuuan ng virtual oathtaking ceremony.

Kailangan din kumuha ng mga ito ng kopya ng form para sa “Oath of Professional” na maida-download sa website ng PRC.




Facebook Comments