Sa kauna-unahang pagkakataon, tinalo ni Filipino Olympian at pole vaulter EJ Obiena si world no. 1 Armand Duplantis sa Diamond League na ginanap sa Brussels.
Sa ikatlong subok, malinis na nakatalon si Obiena sa taas na 5.91 meters na hindi nagawa ng katunggali nitong si Duplantis.
Dahil dito, nagtapos ang Swedish pole vaulter sa pangalawang puwesto na nakapagtala ng 5.81 meters habang ikatlong puwesto si world no. 2 Chris Nilsen ng America na may 5.71 meters.
“Made a core memory today. First [Diamond League] win” saad ni Obiena sa kanyang Facebook post.
Ito na ang ikatlong gintong medalya at ikalimang sunod na podium finish ni Obiena mula nang simulan niya ang kanyang pangalawang season sa European circuit dalawang linggo na ang nakalilipas.
Kabilang sa mga napanalunan niya sa German tilts ay ang Stabhochsprund meeting sa Jockgrim noong August 23; True Athletes Classics sa Leverkusen noong August 28 at ang St. Wendel City Jump sa Sankt Wendel noong August 31.
Wagi naman siya ng bronze medal sa Athletissima meet sa Lausanne, Switzerland noong August 25.
Ngayong araw, September 4, susubukan muli ni Obiena na makasungkit ng panalo sa ISTAF 2022 sa Berlin, Germany bago maging abala sa Golden Fly event sa Schaan, Liechtenstein sa September 11.