Manila, Philippines – Nilinaw ni Senate President Vicente Tito Sotto III ang usapin patungkol sa Extra Judicial Killings sa bansa matapos ang ginawang pahayag ni Senator Manny Pacquaio sa Oxford University na walang EJK dito sa Pilipinas.
Sa ginawang forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Sotto na mayroong EJK sa Pilipinas pero nilinaw nito na hindi ito State Sponsored gaya ng gustong palabasin ng mga kritiko ng Administrasyong Duterte.
Paliwanag ng Senador posibleng ang mga gumagawa nito ay sariling kusa ng mga mismong nagpapatupad ng batas at walang kinalaman ang pangulo ng bansa.
Muling nilinaw ni Sotto ang totoong ibig sabhin ng EJK kung tutuusin aniya ay mali ang termino na Extra Judicial Killings dahil wala namang talagang Judicial Killing sa bansa.