Ekonomiya ng bansa, inaasahang sisigla kapag nawala na ang takot sa COVID – DOF

Hinihintay na lamang na mawala ang ‘takot factor’ sa COVID-19 para maibalik muli ang kumpiyansa ng mga consumer at mapasigla muli ang ekonomiya.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, hindi naman naapektuhan ang productive capacity ng Pilipinas kahit ipinatupad ang restrictions para mapabagal ang pagkalat ng sakit.

Ang average age ng Filipino population ay kasalukuyang nasa 24 years old at ang nakalatag na restrictions ay nalimitahan ang mobility ng hanggang 40% ng populasyon.


Matatandaang inanunsyo ng Inter-Agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang bagong macroeconomic assumptions, na may malawak na economic contraction na 8.5% hanggang 9.5% ngayong taon.

Para sa susunod na taon, inaasahang magkakaroon ng growth para makarekober sa 6.5% hanggang 7.5% at maiakyat pa ito sa 8% hanggang 10% sa 2022.

Facebook Comments