Manila, Philippines – Ipinagmalaki ni Solid Duterte Supporters Consultant Benhaur Abalos na lumago ang ekonomiya ng bansa kumpara noong panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
Ang pahayag ay ginawa ni Abalos sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga alkalde sa buong Metro Manila na nagpahayag ng suporta sa mga isinusulong na programa ng Duterte Administration.
Sabi ni Abalos, panahon na para magkaisa ang mga LGU’s sa harap na rin ng gumagandang ekonomiya ng bansa kumpara sa kaparehong panahon sa nakalipas na Administrasyon.
Batay sa huling datos, umaabot sa 6.8 percent ang Gross Domestic Product ng bansa mula sa dating 5.9 percent lamang noong panahon ng Aquino Adminitration.
Paliwanag ni Abalos, bukod pa ang aspeto ng ekonomiya ang tinatamasang kaayusan sa mga komunidad dahil sa magandang idinulot ng maigting na kampanya kontra sa iligal na droga.
DZXL558