Senator Sotto, iminungkahi na isailalim sa DNA test ang suspek sa Resorts World Attack

Manila, Philippines – Suportado ni Senate Majority Leader Tito Sotto III ang hakbang na isailalim sa DNA test ang nasunog ng bangkay ng nag iisang suspek na umatake at nagsunog sa resorts World kung saan 37 ang nasawi at mahigit 70 ang sugatan.

Ito ayon kay Sotto ay upang matuldukan na ang mga pagdududa na ang dating empleyado ng Department of Finance na si Jessie Javier Carlos na lulong sa casino ang umatake sa Resorts World noog Biyernes ng madaling araw.

Ang DNA testing, ayon kay Sotto ay akmang tugon sa mga hinala na posibleng tumakas ang salarin at nagsunog ng ibang tao.


Ayon kay Sotto, ang DNA sample ng sunog ng bangkay ng suspek ay makabubuting ikumpara sa DNA sample ng kaniyang ama na lumutang at humingi ng tawad sa ginawa ng kanilang anak.
DZXL558

Facebook Comments