Ekonomiya ng bansa, posibleng bumagsak pa kung magpapatuloy ang mga lockdown

Malubha ang inaasahang mangyayari sa ekonomiya ng Pilipinas kung magpapatuloy ang mga mahigpit na quarantine protocols hanggang katapusan ng taon.

Ito ang inihayag ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion sa kabila ng inaasahang pagpapatupad ng Alert Level System with granular lockdown sa Metro Manila simula sa Setyembre 16.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Concepcion na sa huling quarter bumabawi ang mga negosyo matapos ang matagal na panahong hindi nagbukas dahil sa mga umiiral na quarantine measures.


Paliwanag ni Concepcion, buhay na buhay kasi ang ekonomiya ng bansa lalo na tuwing holiday season.

Kasunod niyan, muling nanindigan si Concepcion na hindi diskriminasyon ang paghihiwalay sa mga bakunado na sa mga hindi pa nababakunahang indibidwal.

Facebook Comments