Bahagyang lumago ang ekonomiya ng National Capital Region o NCR noong taong 2018 base sa ulat ng Philippine Statistics Authority o PSA sa isinagawa nilang news conference.
Umabot sa 4.8 percent ang Gross Regional Domestic Product o GRDP ng NCR noong 2018 na mas mababa ng kaunti sa 6.2 percent noong 2017.
Ayon kay Paciano Dizon, regional director ng PSA NCR, malaki ang naiambag ng services sector sa ekonomiya ng ncr na nasa 82.8 percent habang ang sektor ng industriya ay 17 percent at 0.2 percent naman sa sektor ng agriculture, hunting, forestry and fishing o ahff.
Kabilang sa mga main drivers ng paglago ng ekonomiya ng NCR ay trade, public administration and defense, financial intermediation, real state, renting and business activities.
Tumaas din ang average real per capita ng GRDP ng NCR ng 3.8 percent mula sa P244, 589 noong 2017. Umabot ito sa P253, 893 noong 2018.
Ang GRDP ay sumusukat sa kabuuang produksyon ng produkto at kagalingan ekonomiko ng isang rehiyon.