
Hindi apektado ang ekonomiya ng Pilipinas kasunod ng mga ingay sa politika dahil sa pagkakaaresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, hindi naman nababahala ang Malacañang sa kumpiyansa ng mga investor namamuhunan sa bansa.
Sa katunayan ay mas gusto pa aniya ng mga foreign investor ang isang bansa na sumusunod sa batas at hindi nagkakanlong ng mga tao na pinaghi-hinalaang sangkot sa pagpatay, lalo na ang crimes against humanity.
Sa gitna ng ingay politika sa bansa, mas nakatuon aniya ang atensyon ng gobyerno sa pagpapatupad ng mga programang magaangat sa buhay ng mga Pilipino.
Kasabay nito, iniulat ng Palasyo na ngayong buwan, nasa 70 job fair ang isasagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE), sa iba’t ibang bahagi ng bansa habang nasa 10 sa Metro Manila sa mga susunod na araw.