Mahigit 49,000 indibidwal sa buong bansa, nakiisa sa pro-Duterte rally

Umaabot sa mahigit 49,000 mga indibidwal ang lumahok sa 58 mga rally na sa isinagawang sa buong bansa ng mga taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) kung saan wala namang naitalang untoward incident.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Randulf Tuaño, karamihan sa mga rally ay ikinasa sa Davao City at mayroon din dito sa Metro Manila kung saan nagpahayag ang mga raliyista ng kanilang suporta para sa dating pangulo.

Samantala, sinabi rin ni Tuaño na ang heightened alert status, na ipinatupad noong March 11 kasunod ng pag-aresto kay Duterte, binawi na ng Pambansang Pulisya.

Sa ngayon, nananatili sa normal alert ang buong status ng PNP sa buong kapuluan.

Facebook Comments