Ekonomiya ng Pilipinas usad-pagong pa rin ayon sa DTI

Sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na usad-pagong pa rin ang ekonomiya ng bansa.

Ito ay kahit nagbalik-operasyon na ang malalaking bilang ng mga kompanya at negosyo matapos isailalim sa General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang maraming lugar sa Pilipinas.

Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, kaunti pa rin ang nagiging bentahan ng mga product services sa bansa.


Ito ang nakikita niyang dahilan kung bakit lagi nilang ipinapaalala sa taong -bayan ang kahalagahan ng pagtangkilik ng mga produktong sariling atin.

Malaki kasi aniya ang naitutulong nang pagbili ng mga locally produced products para sa mga local companies.

Samantala, ang palitan ng piso kontra;

US Dollar – 49.78

Facebook Comments