COVID-19 cases sa bansa, mahigit 40,000 na; 1,531 record high na mga bagong kaso, naitala ngayong araw

Nadagdagan ng 1,531 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Batay sa Department of Health (DOH), umabot na sa 40,336 ang confirmed cases ng COVID-19 sa bansa.

Sa nasabing bilang, 688 ay “fresh cases” habang 843 naman ang “late cases.”


Anim (6) na pasyente naman ang nasawi na sumampa na sa 1,280.

Nasa 400 naman ang mga gumaling na may kabuuang 11,073 recoveries.

Samantala, mayroong 13 Filipino sa abroad ang nagpositibo sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 8,627 overseas Filipino ang tinamaan ng virus.

Nasa 5,163 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit habang 561 ang mga pumanaw.

Facebook Comments