Handang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling buksan ang ekonomiya magkakaroon na ang bansa ng hanggang 40 milyong doses ng COVID-19 vaccines.
Ito ang pahayag ng Pangulo sa harap ng pagsisimula ng vaccination program gamit ang 600,000 doses ng Sinovac vaccines mula China.
Ayon kay Pangulong Duterte, babawiin niya ang lahat ng restrictions kapag mayroong sapat na bakunang available na sa mga tao.
Handa niya ring ibaba sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang National Capital Region (NCR) kapag nagkaroon ng dalawang milyong doses ng bakuna ang bansa.
Matindi na aniya ang ibinagsak ng ekonomiya dahil sa pandemya.
Facebook Comments