Eksaktong petsa ng ‘Araw ng Pasig’ hiniling na rebyuhin

Humiling mananaliksik at dalubhasa sa pag-aaral sa kasaysayan ng Pasig sa pangunguna ni Wensley Reyes Ph.D na muling isaalang alang ang pag-rebyu sa eksaktong “Araw ng Pasig” ang petsang Hulyo 2, 1573.

Ayon kay Dr. Reyes na isang Pasigueño, tinalakay nila sa “Kumperensya sa Araling Pasig” ang tungkol sa pagsusulong na rebyuhin ang eksaktong petsa ng ‘Araw ng Pasig.’

Paliwanag ni Reyes isa sa mga bagay na napag-usapan, ay ang pananaliksik na may kaugnayan sa pagtingin o muling pagwawasto, kung sakali man at kung kinakailangan, ng nakasanayan nang Araw ng Pasig.


Napag-alaman na batay sa mga bagong ebidensya at bagong pagtingin sa mga dokumento, tila lumalabas na ang araw, ng Pasig na  July 2, 1573 ay dapat muling tingnan,kung saan  mula sa mga bagong ebidensya na nakikita sa kasalukuyang pananaliksik, mas mainam na balikan ang isinulat ni Fray Gaspar de San Agustin, na nagbabanggit na ang Pasig ay itinatag sa pagsisimula ng trilenyo, na may petsang May 3, 1572.

Isang Komite ng Pananaliksik ang noo’y binuo ni Eusebio upang pag-aralan at tukuyin ang eksaktong petsa ng Araw ng Pasig, batay sa inilabas nitong kautusan, ang Executive Order No. 19-93, Series of 1993.

Isa sa natuklasan nila ay ang mga sinaunang dokumento na nagsasaad ng pagkakatatag ng mga lugar partikular na ng mga Bayan at Lalawigan sa ilalim ng mga Kastila na nagsasabing ang Pasig ay itinatag noong 1572 at hindi 1573.

Kaya sinabi ni Reyes na may ilan pang kahalintulad na mga sinaunang dokumento na sumusuporta sa isyung ito at kapag nabuksan uli ang pagkakataon, mas lalo pang magiging maliwanag ang pagkaunawa ng mga Pasigueño sa isyung ito.

Facebook Comments