Cauayan City – Isinagawa kahapon, ika-24 ng Hulyo sa Isabela State University Cauayan Campus ang ikatlong araw ng Armed Forces of the Philippines Service Aptitude Test o AFPSAT.
Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Major Julius Habunal mula sa Army Recruitment Office Luzon – Army Personal Management Center, ang tatlong araw na eksaminasyon ay para sa mga aplikante na kumuha ng pagsusulit sa Officer Candidate Course (OCC).
Ayon kay Major Habunal, nasa higit dalawang daan lamang mula sa 600 na nag register ang kumuha ng nabanggit na pagsusulit, kung saan isa sa nakikita nilang dahilan upang hindi tumuloy ang mga ito ay dahil sa banta ng bagyong Carina.
Gayunpaman, sinabi nito na maaari pa naman silang kumuha ng pagsusulit dahil muling magsasagawa ng eksaminasyon sa Tuguegarao City, Cagayan.
Samantala, ngayong araw ika-25 ng Hulyo ang huling araw ng eksaminasyon na para naman sa aplikante ng Candidate Soldier Course.