Eksaminasyon para sa TOG2-Phil. Air Force, Tuloy na sa Nobyembre; Ilang Ipinagbabawal sa ilalim ng Batas, Alamin

Cauayan City, Isabela- Matutuloy na ang makailang beses na naudlot na eksaminasyon para sa mga nais maging miyembro ng Tactical Operations Group (TOG) ng Philippine Air Force sa darating na Nobyembre 2-7 ngayong taon.

Ayon kay Col. Augusto Padua, commander ng TOG2-PAF, posibleng gawin sa iisang testing area gagawin ang eksaminasyon ng mga aplikante dahil sa ilang sitwasyon sa pagitan ng mga mangangasiwa sa nasabing pagsusulit.

Aniya, dati ay dalawang area ang inilaan ng PAF para dito subalit tanging sa Isabela State University-Cauayan Campus idadaos ang nasabing eksaminasyon ng nasa mahigit 600 rehistradong aplikante at ang 20 registered criminologist na nais maging bahagi ng air force.


Paliwanag ni Col. Padua, nagkaroon ng kaunting hindi inaasahang sitwasyon sa pagitan ng mga proctors dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng health protocol sa bahagi ng Cagayan kung saan isa ang Cagayan State University sa pagdadausan ng pagsusulit.

Sinabi pa ng opisyal, ilan sa maaaring sitwasyon sa mga examinees ay ang pagkakaroon ng pagsusulit para sa umaga at hapon upang maiwasan ang mataas na bilang ng mga aplikante sa loob mismo ng isang silid kung saan gagawin ang eksaminasyon.

Bukod dito, ipinaliwananag din ni Col. Padua kung bakit naihiwalay ang mga rehistradong criminologist dahil ayon aniya sa batas na naaprubahan sa matagal na panahon ay ‘exempted’ ang mga ito sa eksaminasyon subalit dadaan pa rin sa physical exam at matiyak na wala ang mga ipinagbababawal ng PAF.

Una rito, bawal ang may tattoo, maraming butas sa tenga at mukha, cross eyes (duling), pike, sakang, singkol, cleft lip/palate ( bingot), at lacked of finger.

Para naman sa mga under 5 feet ang taas at miyembro ng filipino tribe ay mangyaring ipresenta ang sertipiikasyon na magmumula sa NCIP.

Sa ngayon ay pansamantalang sarado na ang mga nais humabol na mapabilang sa gagawing eksaminasyon maging ang mga magbabalak na magtungo sa kanilang tanggapan ay hindi muna pahihintulutan dahil sa banta ng COVID-19.

Sakaling magkaroon muli ng pagbabago sa petsa ng pagsusulit ay mangyaring maghintay lamang ng text message o tawag mula sa TOG2-PAF o bisitahing ang kanilang facebook page (togtwocauayancity) para sa iba pang detalye.

Nagkaroon man ng panghihinayang ang opisyal dahil sa ilang aplikante ang hindi kwalipikado dahil sa over-age ay hiling nito na mas marami pa sanang mag-aasam na mapabilang sa hanay ng kanilang pwersa sa mga susunod na panahon.

Facebook Comments