Ekspansyon ng kulungan sa BJMP City of Ilagan, Malapit ng Matapos!

City of Ilagan, Isabela – Nasa limampung porsyento na ang isinasagawang ekspansyon ng kulungan sa BJMP City of Ilagan matapos makita na masikip ito sa karaniwang bilang ng mga Persons Deprived of Liberty o PDL.

Ayon kay Jail Senior Inspector Jose Bangug Jr., Jail Warden ng Bureau of Jail Management and Penology ng City of Ilagan na may kabuuang isang daan at dalawampu’t dalawang bilang ng PDL sa naturang kulungan.

Aniya ang konstruksyon ng mga selda o piitan ay sa pamamagitan ng tulong ng DPWH na may pondong 1.5 milyong piso kung saan ay nagsimula na ito ng buwan ng Hunyo.


Layunin ng ekspansyon na mapalawak ang kulungan ng mga PDL upang maging maayos ang kanilang kalagayan sa loob at makaiwas sa anumang problema sa kalusugan.

Facebook Comments