Ekta-ektaryang palayan sa Nueva Ecija, napeste ng hanip!

Courtesy: Herwin Barcelona Photography

Napeste na rin ng tinatawag na hanip o thrips ang mga palayan sa Nueva Ecija.

Ang hanip ay maliliit na insekto na sumusugat at nanginginain sa mga dahon at bunga ng palay hanggang sa matuyo ang mga ito.

Sa interview ng RMN Manila sa magsasakang si Mang Jess Constantino ng Barangay San Roque, San Isidro, Nueva Ecija, 1.7 hectare ang kanyang sinasaka at mabuti na lang ay agad niyang naagapan ang pag-atake ng Hanip sa kanyang pananim.


Ngunit hindi aniya nakaligtas sa peste ang kanyang kapatid na si Nora dela Cruz dahil walang napakinabangan ang 1.9 hectares na pananin nitong palay matapos na matuyo dahil sa nasabing insekto.

Bagama’t insured aniya ang kanilang pananim, lugi pa rin dahil ₱20,000 lang per hectare ang babayaran ng gobyerno gayong nasa ₱78,000 ang kanilang nagastos.

Sinabi ni Mang Jess na maiiwasan sana ang pag-atake ng Halip kung sa Marso pa sila magtatanim ng palay ngunit napilitan silang maagang magtanim dahil sa kakulangan ng tubig na irigasyon sa mga pagsasaka bunsod naman ng epekto ng El Niño.

Facebook Comments