El Nido, bubuksan na sa mga turista simula ngayong araw

Muli nang bubuksan sa mga lokal na turista ang El Nido, Palawan simula ngayong araw sa ilalim ng test-before-travel policy.

Ang mga aktibidad tulad ng island-hopping at scuba diving ay papayagan na sa second phase ng re-opening, basta naka-book sa pamamagitan ng accredited travel and tours operator.

Ang biyahe sa mainland beaches ay hindi pa rin kasama sa option.


Ayon sa El Nido Municipal Tourism Office, ang mga turista ay kailangang magkaroon ng negatibong RT-PCR results dalawang araw bago ang kanilang biyahe.

Ang mga pagkain ay isisilbi lamang sa mga hotel at resorts habang papahintulutan na rin ang Food deliveries.

Ang mga bisitang manggagaling sa Metro Manila ay pagbabawalang pumunta sa mga restaurants sa bayan.

Pinayuhan ang mga turista na mag-book ng kanilang tours maging accommodation sa mga hotel at resort na mayroong Certificate of Authority to Operate mula sa Department of Tourism (DOT).

Kapag naisapinal, ang lahat ng bookings, kabilang ang health declaration forms at valid IDs ay dapat naka-upload sa elnidotourism.ph at ang tourism office ay maglalabas ng unique QR code para sa mga turista.

Facebook Comments