Muling binuhay ng gobyerno ang El Niño Task Force bilang paghahanda sa epekto ng tag-tuyot.
Ayon kay Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, handa ang National Economic and Development Authority (NEDA) na manguna sa pagtugon sa magiging epekto ng El Niño.
Aniya, maaari mas mapaghandaan ang epekto nito sa pamamagitan ng masusing pag-aaral ng mga dati nang naranasan ng bansa.
Sabi pa ni Pernia, isasama na nila sa kanilang areas of concern ang water security na dapat maging prayoridad kasunod ng seguridad sa pagkain.
Una nang binuo ang nasabing task force noong 2015 bunsod ng naranasang matinding epekto ng El Niño.
Facebook Comments