El Niño, posibleng maramdaman na ang epekto nito sa susunod na buwan

Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA sa magiging epekto ng El Niño sa bansa sa mga susunod na buwan.

Ayon kay DOST Disaster Risk Reduction and Climate Change Undersecretary Renato Solidum, bandang Mayo, tinatayang may 33 probinsiya ang magkakaroon ng “meteorological drought” o mas kaunting ulan kaysa sa normal.

Sabi naman ni Dr. Esperanza Cayanan ng DOST-PAGASA, kailangan ring i-monitor ng mga Local Government Units (LGUs) ang magiging epekto ng El Niño sa kanilang nasasakupan.


Aniya, ang Bohol, may epekto rin kasi ang mas kaunting ulan sa agrikultura, sa mga dam at sa enerhiya.

Sa ngayon, “weak El Niño” pa lang ang nakikita ng mga dalubhasa.

Ibig sabihin ay di pa ganoon kalawak ang epekto nito sa bansa.

Tiniyak naman ng PAGASA na patuloy ang pagbibigay nila ng impormasyon tungkol sa El Niño sa mga susunod na linggo para makapaghanda ang bansa sa magiging epekto nito.

Facebook Comments