Eldrew Yulo, bronze finish matapos umarangkada sa floor exercise ng Junior World Championships

Umangat ang pambato ng Pilipinas na si Karl Eldrew Yulo matapos masungkit ang bronze medal sa final round ng floor exercise ng ginanap na 3rd Fig Artistic Gymnastics Junior World Championships sa Marriott Grand Ballroom sa Pasay City.

Nagpakitang-gilas si Yulo sa kanyang routine, kung saan nagtala siya ng 13.733 points, sapat para makasampa sa podium, nauna sa kanya sina yang Lanbin ng China na nakasungkit ng gold at Simone Speranza ng italy na nakakuha naman ng silver.

Mas naging espesyal ang medalya dahil lumaban si Yulo kahit may iniindang ankle injury na nakuha niya sa all-around finals, kung saan nagtapos siya sa ika-8 puwesto.

Sa kabila ng limitasyon, na-maintain niya ang control at clean landing, patunay ng kanyang tibay at disiplina bilang atleta.

Samantala, hindi pa tapos ang kampanya ni Yulo dahil lalaban pa siya sa vault at horizontal bar finals, kung saan inaasahan siyang muling mag-deliver ng high-level routines.

Facebook Comments