Nagpaalala muli ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na patuloy pa ring umiiral ang gun ban ng Commission on Election (Comelec).
Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Bernand Banac – epektibo pa rin ang gun ban hanggang sa June 12, 2019.
Sakop pa rin kasi ng election period ang petsa mula January 13 hanggang June 12, 2019.
Apela ng PNP, huwag nang magdala ng anumang uri ng armas sa labas ng bahay o saan mang lugar.
Dagdag pa niya, kung sakaling expired na ang lisensiya ng baril, maaari munang ibigay sa kustodiya ng pinakamalapit na istasyon ng pulisiya.
Batay sa datos, mula January 13 hanggang June 7, nakakumpiska ang PNP sa kabuuang 5,191 na armas.
Facebook Comments