ELECTION HOTSPOT | APAT NA BARANGAY SA MAYNILA TINUKOY

Manila, Philippines – Inilabas na ng Manila Police District (MPD) ang mga lugar sa Maynila na nasa ilalim ng watchlist kaugnay sa Synchronized Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Erwin Margarejo sa 896 na Barangay, apat na barangay sa Maynila ang partikular na tinututukan ng MPD dahil sa election-related violence.

Ito ang Barangay 386, 648, 649, at 650.


Ang ibang area naman ani Margarejo ay itinuturing nilang Area of Concern at patuloy ang ginagawang evaluation ng pulisya kung maituturing na hotspot ang mga lugar na ito.

Inatasan naman ni MPD District Director Chief Superintendent Joel Coronel ang lahat ng mga Station Commander na paigtingin ang paglaban sa kriminalidad at pagsasagawa ng Oplan Sita at pagtatalaga ng mga miyembro ng MPD sa mga tinaguriang watchlist na may kinalaman sa May 14 elections.

Facebook Comments