Election hotspots para sa gaganaping midterm election mas dumami

Nadagdagan pa ang bilang ng mga lugar na nasa election hotspots para sa gaganaping midterm election sa Mayo.

 

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, mula sa dating mahigit 700 election hotspots nitong buwan ng Pebrero ay umabot na sa 941 ang naitalang election hotspots.

 

Saklaw ng 941 na mga election hotspots ang 57.60 percent o 1, 634 na mga syudad at munisipyo sa buong bansa.


 

Sa kabuuang bilang ng election hotspots, 131 bayan at syudad ay nasa yellow category o areas of concern, 238 election areas naman ay nasa immediate concern o oranger category at 570 ay nasa red category o grave concern.

 

Kabilang sa red category o grave concern ang 118 na lugar sa armm, 93 areas sa Northern Mindanao, 73 areas sa Caraga Region, 72 Zamboanga Peninsula, 49 areas in Davao Region at Socksargen, 45 areas sa Eastern Visayas, 28 areas sa Cordillera Region, 21 areas sa Bicol Region, limang areas sa CALABARZON, apat sa Central Luzon at Western Visayas at dalawa sa Cagayan Valley region at Central Visayas.

 

Wala namang naitalang red areas sa National Capital Region at Ilocos Region.

Facebook Comments