NCRPO Director Eleazar, nilinaw ang insidente ng tanim droga sa valet parking sa Maynila

Nilinaw ni NCRPO PD Guillermo Eleazar na fake news ang kumakalat sa social media na tanim droga sa valet parking sa Maynila.

Base sa post sa  facebook at kumalat na rin sa mga text message,

Pinagiingat ang mga nagpapaserbisyo ng valet parking sa Manila Hotel, dahil merong modus na tanim droga at biktima ang kanyang kaibigan.


Matapos ibigay ng parking boy sa costumer ang kotse bigla nalang ito paparahin ng pulis sa di kalayuan sa hotel.

Dito na makikita ng pulis ang 2 pakete ng shabu sa dashboard ng kotse.

Para hindi makulong kalahating milyong piso ang areglo o mas mataas pa.

Gayunman base sa imbistigasyon ni PD Eleazar, wala itong katotohanan dahil walang record ang kotse sa nabanggit na hotel.

Pinayuhan ng heneral ang bawat isa na maging responsable sa pagpapakalat ng impormasyon sa social media o text message.

Facebook Comments