Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng Commission on Election (COMELEC) na mahigit sa 1/3 ng mga botante ay pawang mga kabataan kung saan malaki umano ang inpluwensiya ng mga kabataan sa halalan.
Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi COMELEC Spokesperson James Jimenez na umaabot sa 2.5 milyon ang potential additional voters na karamihan dito ay mga bagong nagpaparehistro kaya umakyat na sa halos malapit 61 milyon na botante ang boboto sa 2019 National Election.
Paliwanag ni Jimenez malaking kontribusyon ngayon at nagiging aktibo na ang mga kabataan sa mga maiinit na usapin sa lipunan.
Nais umano ng mga kabataan na marinig naman ang kanilang boses at makarating sa pamahalaan ang kanilang mga concern dahil nababalewala na ang kanilang hanay.