ELECTION PROTEST | Robredo, Marcos camps, parehong tiwala na papanig sa kanila ang resulta ballot recount

Manila, Philippines – Anuman ang maging pasya ng Korte Suprema sa inihaing election protest laban kay Vice President Leni Robredo handa ang kampo ni dating Senador Bongbong Marcos na tanggapin ito.

Tiwala ang legal counsel ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez, na anumang kalabasan ng manual recount ngayong araw sa Camarines Sur, Negros Oriental at Iloilo ay malaking puntos ito para maipakita nilang may basehan ang alegasyong nakapaloob sa election protest.

Kung pagsasamahin anya, aabot sa 3.9 million votes ang nawala kay Marcos mula sa 25 probinsya sa bansa.


Sinabi naman ng tagapagsalita ni Robredo na si Georgina Hernandez, na ikinatuwa ng ikalawang Pangulo ang pagsisimula ng manual recount para mabigyan na ng linaw at lumabas ang katotohanan sa nagdaang eleksyon.

Si Atty. Vic Rodriguez, legal counsel ni dating Senador Bongbong Marcos at Georgina Hernandez, tagapagsalita ni VP Leni sa interview ng RMN.

Facebook Comments