PARA SA KALIGTASAN | Pagtatalaga ng mga safety officer sa mga bus company, gagawing mandatory ng LTFRB

Manila, Philippines – Gagawin nang mandatory ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtatalaga ng mga safety officer ng mga bus company.

Ito ay para hindi na maulit ang nangyaring trahedya na kinasangkutan ng Dimple Star bus sa Occidental Mindoro kung saan 19 ang nasawi.

Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, bukod sa mga safety officer, dapat ay maryoon ding mga dispatching officer at magiging focus nila na tingnan ang maintenance ng mga bus.


Samantala, ilang bus franchise naman ang binigyan ng LTFRB ng special permit sa ruta ng Dimple Star para hindi ma-displace ang mga pasahero nito.

Sa April 18 na gagawin ang pagdinig ng LTFRB sa kaso ng Dimple Star.

Facebook Comments