Manila, Philippines – Sisimulan na sa Pebrero ng susunod na taon ng Supreme Court (SC) na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) ang recount ng mga boto kaugnay ng election protest ni dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo.
Sakop ng recount ang mga boto mula sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.
Sa naturang mga lalawigan kasi sinasabi ni Marcos na nagkaroon ng dayaan sa Vice Presidential Race.
Nagkasundo na ang mga abogado ng magkabilang panig hinggil sa magiging panuntunan sa gagawing recount.
Sa nakalipas na Vice Presidential Race, mahigit 263-thousand ang naging lamang ni Robredo kay Marcos.
Facebook Comments