BIBISITA SA BANSA | Pagpunta ng Miss Universe title holders, malaking ambag sa turismo

Manila, Philippines – Plinanong mabuti ng Department of Tourism (DOT) ang gagawing pagbisita ng mga Miss Universe title holder dito sa Pilipinas ngayong buwan.
Sa katunayan, ayon kay Tourism Secretary Wanda Teo, noong natanggap nila ang tawag mula sa Miss Universe Organization na humihingi ng permiso para dalhin dito sa Pilipinas ang ilang mga title holders, partikular niya mismong ini-request ang mga mayroong malakas na impact sa marketing ng bansa.
Ilan dito sina Ms. Russia, Ms. Netherlands, Ms. India, Ms. Italy, Ms. Spain at Ms. Canada.
Ngayong araw, nagsimula na magdatingan ang mga kandidata, kung saan nakatakda silang ilibot sa iba’t-ibang tourism sites sa bansa.
Matatandaang Pilipinas ang nag-host ng Miss Universe 2016, kung saan ayon sa Department of Tourism ay nakaambag ito ng 11% na tourist arrivals sa bansa.

Facebook Comments