ELECTION RELATED | PNP, nakapagtala ng 8 karahasan na may kinalaman sa ginanap na eleksyon

Manila, Philippines – Walong karahasan ang naitala ng Philippine National Police (PNP) sa mismong araw ng halalan kahapon.

Sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde, namonitor ang mga karahasang ito sa South Cotabato, Maguindanao at Lanao Del Sur.

Sa mga karahasang ito isa ang naitalang namatay matapos pagbabarilin, kinilala itong si Mustre Cantem, 51 anyos incumbent and re-electionist Brgy Chairman sa Brgy Mina, Palimbang Sultan Kudarat.


Pinagbabaril ito noong gabi nang May 13,2018 sa Brgy. Poblacion Palimbang Sultan kudarat.

Sa kasalukuyan, nasa 35 ang naitatalang namatay mula nang magbukas ang election period noong April 14

13 dito kumpirmadong may kinalaman sa eleksyon.

Dadag pa ni Albayalde mayroon ding naganap na karahasan kahapon sa halos 600 election hotspots pero minor incident lamang anya ang mga ito

Sa kabila aniya ng mga pangyayaring ito kahapon , itinuturing pa rin ng PNP na matagumpay at mapayapa ang nagdaang eleksyon.

Facebook Comments