INIHAIN | Labor Sec. Bello, nagsumite ng aplikasyon sa JBC para sa pwesto sa Ombudsman

Manila, Philippines – Nadagdagan pa ang mga pangalan ng mga aspirante sa posisyon sa Ombudsman.

Sa harap ito ng nalalapit na pagreretiro ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa July 26.

Bukod kasi sa nominasyon ni Supreme Court Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro, aspirante rin sa posisyon sa Ombudsman si Labor Sec. Silvestre Bello III.


Si Bello ay naghain na ng kanyang aplikasyon sa Judicial and Bar Council.

Una na ring nagsumite ng aplikasyon sa JBC si Atty. Edna Batacan na kilalang malapit sa Pangulong Duterte.

Naghahangad ding maging susunod na Ombudsman si Criminal law expert , Special Prosecutor Edilberto Sandoval.

Facebook Comments