Election sa BOL sa Mindanao sukatan sa darating na halalan – PNP

Naniniwala ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na magiging sukatan kung payapa o magulo ang darating na election ang nagaganap na halalan sa Mindanao kaugnay sa plebisito ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni PNP Director General Oscar Albayalde na walang siyang nakikitang kaguluhan maliban sa isabela city na mataas umano ang no vote kumpara sa ibang mga lugar sa Mindanao na pumapabor sa BOL.

Paliwanag ni Albayalde na ang Lanao ay ikinukonsidera na kritikal area o election watch list pero wala namang major incidents sa naturang lugar.


Dagdag pa ni Albayalde na welcome naman aniya sa mga MILF ang BOL pero mayroong umanong insidente na isang miyembro ng MILF na pumasok sa polling precinct sa Cotabato City pero agad naman itong naaresto ng PNP.

Giit ng hepe ng PNP magiging sukatan sa darating na halalan ang nangyaring election sa BOL sa Mindanao dahil talaga ang nais ng gobyerno ay lasting peace sa Mindanao.

Facebook Comments