Election sa Buldon naging Peaceful

Naging mapayapa ang isinagawang eleksyon sa Barangay at Sangguniang Kabataan sa bayan ng Buldon sa Maguindanao.

Naiproklama na rin ang karamihan sa mga nagwaging kandidato mula sa 15 Baranggay ng Bayan na kinabibilangan ng Rumidas, Karim, Piers, Kulimpang, Calaan , Cabayuan Minabay, Pantawan, Nuyo, Edcor, Dinganen, Aratuc, Ampuan , Oring at Mataya. Ilan dito ay mga nagbabalik sa Baranggay kabilang si Dinganen Chairman Rufo Capada at bagong naihalal sa Brgy Mataya.

Matatandaang noong mga nagdaang mga halalan ay naging sentro ng balita ang Buldon dahil na rin sa mga nangyayaring Election Related Incidents kabilang na ang girian ng mga kumakandidato at mga supporters na nauwi sa putukan at sunugan pa ng mga eskwelahan.


Kaugnay nito pinuri ni Maguindanao Election Supervisor Atty. Udtog Tago ang mga nagsilbing mga guro, pnp, at afp at napatiling matiwasay ang halalan sa bayan habang nagpasalamat naman si Buldon Mayor Abolais Manalao sa lahat ng mga kumandidato na tumugon sa nilagdaang peace covenant .

PIC: Cons Magalona

Facebook Comments