Tutol din maging ang National Citizens’ Movement for Free Elections o NAMFREL sa panukalang ipinagpaliban ang 2022 national at local elections dahil sa pandemya.
Sa kanilang statement, binigyan din ng NAMFREL na ang pagsuspinde sa eleksyon ay labag sa konstitusyon at isa lang itong paraan para mapalawig ang termino ng mga elected officials.
Giit pa ng watchdog, matatanggal ang karapatan ng mga Pilipinong papanagutin ang mga opisyal na nangurakot sa bayan sa oras na ipagpaliban ang halalan.
Ayon pa sa grupo, tiwala naman sila sa Commission on Elections sa paghahandang isinasagawa para sa libre, patas, at ligtas na halalan sa 2022 sa kabila ng banta ng pandemya.
Dagdag pa ng NAMFREL, napatunayan na ng mga ASIAN countries gaya ng South Korea, Singapore, Sri Lanka, at Taiwan na posibleng magsagawa ng eleksyon sa gitna ng pandemya.
Una na kasing hilingin sa kongreso ni Pampanga Representative Juan Miguel Arroyo na ikunsidera ang pagpostpone sa 2022 elections sakaling wala pang bakuna sa COVID-19 pagdating na 2021.