Tinawag na “desperado” ng isang election watchdog ang Smartmatic matapos nitong maghain ng temporary restraining order (TRO) sa Korte Suprema.
Ito ang buweltang pahayag ng Kontra Daya, sa hiling ng Smartmatic na pigilan ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon sa Kontra Daya, patas lamang ang desisyon ng Comelec sa pagkadiskwalipika at pagbawalan ang Smartmatic na lumahok sa public bidding para sa 2025 automated midyear election.
Kumbinsido rin ang grupo na may nagawang paglabag sa election process ang Smartmatic.
Kaugnay nito, hinihikayat ng Kontra Daya ang lahat ng election watchdog na magbuklod at magkaisa na tutulan ang apela ng Smartmatic sa Korte Suprema.
Facebook Comments