Election watchlist areas, isinumite na ng PNP sa COMELEC

Nagsumite na ang Philippine National Police (PNP) ng “election watchlist of areas” sa Commission on Elections (COMELEC) kaugnay sa seguridad ng Eleksyon 2022.

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, ang dating “election hotspot” ay tatawagin na ngayong “election watchlist of areas” at tanging ang COMELEC lamang ang otorisadong maglabas ng naturang listahan.

Ang klasipikasyon ay ibabase sa apat na color-coded categories na green, yellow, orange, at red.


Ang green category ay ang mga lugar na “generally peaceful” habang ang yellow category naman ay ang mga lugar na nakapagtala ng umano’y election-related incidents sa mga naunang eleksyon kung kaya’t tatawagin itong ‘areas of concern.’

Tatawagin namang “areas of immediate concern” ang mga lugar na nasa orange category dahil sa presensya ng mga armadong grupo habang mga lugar na nasa red category ay isasailalim sa kontrol ng COMELEC kung nakitaan ito parehong parameter ng yellow at orange category.

Facebook Comments