Nakikipag-ugnayan na ang pamunuan ng COMELEC Region 1 sa pamunuan ng DepEd ukol sa mga guro na magsisilbing Electoral Boards para sa eleksyon sa susunod na taon.
Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Jugeeh Deinla, City Election Officer IV ng San Fernando City, La Union na kumatawan sa COMELEC Region 1, tuloy tuloy ang ginagawang delisting para sa mga guro na nais maging Electoral Boards.
Kaugnay nito, ang mga Electoral Boards ay kailangan umanong enrolled sa Digital Signature at kinakailangan na din sa PNPKI na magagamit din umano sa pagdating sa eleksyon.
Ito ngayon ang kanilang binabanat minomonitor kung ang mga natukoy na guro na magsisilbi sa eleksyon ay nakapag-enroll na ang mga ito.
Hinikayat din nito ang mga guro na kailangan ay fully vaccinated bago sumapit ang eleksyon bilang karagdagang proteksyon para sa mga ito habang sila ay nasa serbisyo.###