PDP-Laban, magpupulong kasunod ng pag-atras ni Bong Go sa pagtakbo sa pagka-pangulo

210

Magkakaroon ng serye ng pagpupulong ang Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP-Laban) hinggil sa pag-atras ni Senator Bong Go sa pagtakbo bilang Pangulo.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, kailangang mapag-usapan ang mga susunod na hakbang ng partido matapos na mag-back out si Go.

Anuman ani Nograles ang mapagkakasunduan ng partido sa mga pagpupulong na ito ay agad namang isasapubliko.


Ang PDP-Laban at ang partido si Go na Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) ay nabatid na magka-alyansang partido.

Facebook Comments