Manila, Philippines – Inumpisahan nang kolektahin ng Korte Suprema na tumatayong presidential electoral tribunal ang mga ballot box at election documents sa Camarines Sur.
Ito’y para sa electoral protest ni dating Sen. Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Dinala sa tanggapan ng COMELEC sa Pili ang mga ballot box mula sa labing dalawang bayan sa una at ikalawang distrito ng CamSur.
Sa Biyernes o Sabado ay inaasahang dadalhin ang mga ito sa Maynila.
Nabatid na balwarte ni Robredo ang Camarines Sur kung saan siya ang nanguna sa bilangan noong May 2016 elections.
Facebook Comments