Manila, Philippines – Magsisimula na ngayong araw ang preliminary conference ng electoral protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Kagabi, nakiisa si Marcos sa overnight prayer vigil ng kanyang mga tagasuporta na nagtipon-tipon sa harap ng Korte Suprema.
Pinasalamatan ni Marcos ang kanyang mga tagasuporta at sinabing sa mahigit isang taong nang nakalipas mula noong halalan ay napapanahon na ang tunay na resulta ng botohan.
Sa pagsisimula ng pagdinig, ilalatag ng kampo ni Marcos at ng kampo ni Robredo ang mga dokumento, ebidensya at testigo sa kaso.
Sa protesta ni Marcos, kinukwestyon nito ang resulta ng botohan sa higit 30,000 clustered precincts sa bansa na umano’y nagkaroon ng dayaan.
Sa counter protest naman ni robredo, kinuwestyon din nito ang resulta ng botohan sa may 30,000 presinto sa ilang probinsiya kung saan nanalo si Marcos.
Samantala, inaasahang dadami pa ngayong araw ang mga tagasuporta ng magkabilang kampo.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558