Electric connections ng NEA, bumaba ng 15% dahil sa COVID-19 crisis

Iniulat ng National Electrification Administration (NEA) na 15% lamang sa naunang target na 46% ang nabigyan ng bagong koneksyon ng kuryente sa unang bahagi ng 2020.

Bunsod ito ng mga ipinatupad na community quarantine dulot ng Coronavirus crisis.

Base sa datos ng NEA Information Technology and Communication Services Department, nasa 209,781 ang naitalang nadagdag na consumer connections mula January hanggang June 2020.


Nakapagtala ang Luzon ng 43% reduction ng bagong electricity connections habang naitala ng Visayas at Mindanao ang 41% at 47% na pagbaba.

Dahil sa mga bagong power connections, umabot na sa 96.61% o katumbas ng 13,850,055 connections ang overall level ng energization sa coverage areas ng 121 non-profit distribution utilities sa buong bansa.

Facebook Comments