Electric Scooters, Ipinasakamay sa LGU Cauayan!

*Cauayan City, Isabela- *Personal na ipinasakamay kahapon ni DOST Sec. Fortunato Dela Peña ang pitong (7) Electric Scooter sa Local Government Unit (LGU) ng Lungsod ng Cauayan.

Kasabay ito sa ginawang paglulunsad sa Smarter Mobility Electric Scooter na sinaksihan ng mga City Officials at iba pang mga indibidwal.

Ang 7 Electric Scooter ay pwede umanong gamitin ng libre subalit hanggang sa loob lamang ng Lungsod ng Cauayan.


Kinakailangan lamang umanong mag-iwan ng valid ID upang mahiram o magamit ang nasabing scooter.

Nilinaw naman na hindi ito mananakaw dahil monitored ito ng Global Positioning System o GPS at kung sakali man umano na lalagpas sa Lungsod ay otomatiko itong titigil.

Nagpapasalamat naman si City Mayor Bernard Dy dahil sa pagiging Smarter City ng Cauayan at pagkakatupad ng nasabing proyekto.

Facebook Comments