Nagbarilang mag-asawa na pulis sa Bohol, 1 patay, isa nanatiling comatose

Comatose pa rin ang isang lalaking pulis na nakabaril at nakapatay sa kanyang mismong misis na pulis rin matapos na magbarilan ang dalawa sa kanilang bahay sa Sitio Ingod, Barangay Centro Tubigan Bohol.

Ayon kay Bohol Police Provincial Director Col Jonathan Cabal, January 27, 2020 nagtalo ang magasawang sina Police Staff Sergeant Juliet Tuguib, naka assign sa Clarin Municipal Police Station sa Bohol at asawa nitong si Police Staff Seargent Ariel Tuguib naka assign sa RPHAU o Regional Personnela Holding and Accounting Unit.

Ang pagtatalo nauwi sa barilan na narinig mismo nang kanilang kasambahay.


Dead on the spot ang babaeng pulis matapos na magtamo ng tama ng bala ng baril sa mukha habang nakita nang rumesponding mga pulis ang asawa nitong suspek na may tama rin sa mukha na ngayon ay comatose at patuloy na inoobserbahan sa Tagbilaran hospital.

Ayon pa kay Cabal ang mag asawa ay may dalawang anak edad 14 at 8 taong gulang.

Sa pagiimbestiga rin ng mga pulis natukoy na may sakit sa utak ang lalaking pulis na isa sa tinitingnan dahilan kaya nagawa nito ang pagpatay sa asawa.

Sinabi pa ni Cabal na nagpapatuloy na ang proseso ng pagtangal sa serbisyo kay Police Staff Seargent Ariel Tuguib matapos na matukoy ng mga doktor na may sakit ito sa utak.

Facebook Comments