ELECTRICAL FAILURE | Mga pasahero, pinababa dahil sa pagtirik ng tren ng MRT 3

Manila, Philippines – Nasa 800 na pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 ang pinababa matapos na muling tumirik ang isang tren sa Santolan Annapolis Station.

10: 37 kanina nang tumirik ang pa Northbound na tren dahil sa electrical failure sa motor ng tren.

Agad na dinala sa MRT depot ang nagka aberyang tren para kumpunihin habang nailipat agad sa sumunod na tren ang mga pasahero makalipas ang anim na minuto.


Facebook Comments