ELECTRICAL FAILURE | MRT 3, nagka-aberya na naman

Manila, Philippines – Bandang 6:32 kanina nang isa na namang tren ng Metro Rail Transit Line 3 ang tumirik sa Southbound ng Ortigas at Shaw Blvd. stations dahil sa electrical failure sa braking system.

Nagpapatuloy pa rin ang paglilipat sa ibang tren sa Ortigas Station ang mga ibinabang mga pasahero.

May delay sa movement ng trains dahil kinakailangan na magaakyat ng hauling train para i pull ang defective na train.


Dinala na sa MRT depot ang nagka-depektibong tren para sa preventive maintenance at replacement ng electrical components.
Sa kasalukuyan ,anim na tren na lamang ang operational.

Facebook Comments